Mula kay Senator Bam Aquino:

Noon, maraming nagsabi na imposibleng gawin ang libreng kolehiyo sa Pilipinas. Pero nagawa nating posible iyon.

Ngayon, ang mga nag-aaral sa mga pampublikong kolehiyo, wala ng binabayarang tuition.

Naging posible iyon kasi tinutukan natin ang pangangailangan ng mga Pilipino. Nag-trabaho tayo, walang ninakaw sa bayan, at nagkaisa kahit iba’t iba ang kulay na pinanggagalingan.

Kaya sa susunod nating laban, isusulong naman natin ang Siguradong Trabaho para sa inyo.

Dahil kapag may Libreng Kolehiyo at Siguradong Trabaho sa bawat tahanan, kaya nating maiangat ang buhay ng pamilyang Pilipino!

Suportahan natin si

SEN. BAM AQUINO