Kinikilalang “Ama ng Libreng Kolehiyo”, si Senator Bam Aquino ang principal sponsor ng makasaysayang batas na Libreng Kolehiyo o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na ginawang libre ang pampublikong kolehiyo sa milyun-milyong kabataang Pilipino.

Bata pa lang, naninindigan na si Senator Bam Aquino para sa demokrasya

Listen to Bam-Bam’s speech!

Mula 6 - 9 years old, nanindigan na ang batang “Bam-Bam” para sa demokrasya at hustisya sa mga rally at protesta laban sa pang-aabuso at karahasan ng diktaduryang Marcos. This showed the young Bam Aquino that Filipinos can come together and fight for something greater than themselves.

Bago pumasok sa pulitika, si Senator Bam Aquino ay isang youth leader, TV host, at social entrepreneur

Si Senator Bam Aquino ay nagtapos sa Ateneo De Manila University bilang Class Valedictorian at Summa Cum Laude, habang ginagampanan din niya ang kaniyang tungkulin bilang Student Council President.

Naging host din siya ng programang Breakfast at YSpeak sa Kapamilya Network!

Malapit sa puso ni Senator Bam ang maliliit na negosyo at mga pamilyang nangangailangan ng kabuhayan lalopa’t itinayo niya at ng kanyang kaibigan ang Hapinoy Program upang matulungan ang mga Nanay na mapalago ang kanilang sari-sari store business.

Dito nakita ni Senator Bam na kayang umasenso ng mga Pilipino gamit ang maliit na negosyo kapag mayroong sapat na training, tulong at suporta! Ito ang naging inspirasyon ni Senator Bam sa kaniyang pagtakbo sa 2013 - na makapasa ng mga reporma na gagawing nationwide ang tulong para sa maliliit na negosyo tulad ng sari-sari store at street vendor. Kaya ang unang batas na ipinasa ni Senator Bam ay ang Go Negosyo Act na ngayon ay nagtayo na ng libu-libong Negosyo Centers na nagbibigay ng libreng business counseling, training, market-linkage, access to capital, at iba pang serbisyo para umasenso ang negosyo ng mga Pilipino.

Noong 2022, siya ang naging campaign manager ng makasaysayang Presidential campaign ni dating Vice President Leni Robredo.

Noong 2023, isa siya sa mga itinalagang World Fellows sa Maurice Greenberg World Fellows Program ng Yale University.

Ngayon, pinamumunuan niya bilang chairperson ang pinakabagong political party sa ating bansa, ang KNP o Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino. At nagsisilbi ring Chairperson ng Kaya Natin Movement for Good Governance.

Ngayon, gagawin ni Senator Bam Aquino ang lahat para sa kaniyang mga anak, at para sa inyong mga anak.

Pamilya ang nagpapatindi ng kaniyang hugot para maglingkod sa ating mga kababayan. Para kay Senator Bam Aquino, ang patuloy na pagsulong niya ng magandang buhay para sa kaniyang asawa na si Timi, at sa kaniyang dalawang anak na sina Rory at Coco, ay magbibigay din ng magandang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino.

Sa patuloy niyang pag-iikot at pakikinig, klaro na ang kailangan ng bawat pamilyang Pilipino ay

LIBRENG KOLEHIYO at
SIGURADONG TRABAHO

Kaya sa 2025, tuloy ang LABAN!

Suportahan natin si

SEN. BAM AQUINO